NAGA CITY- Patay na nang matagpuan ang bangkay na isang magsasaka sa Barangay Cabotonan, Lagonoy, Camarines Sur.

Ayon kay PMSG Adrian Lirag, PIO ng Lagonoy MPS, na ang nasabing lalaki ay nagpaalam na pupunta sana sa bundok, ngunit hindi na ito nakauwi.

Aniya, kinaumagahan, dito na nakita ang nagpalutang-lutang na katawan ng biktima malapit sa Bilog Falls sa Barangay Cabotonan

Batay sa paunang imbestigasyon, tinangay ang biktima ng malakas na agos mula sa bundok patungo sa lugar kung saan ito natagpuang patay.

Pinaniniwalaan din na ang dahilan ng pagkamatay ng lalaki ay pagkalunod.

Kaugnay ng insidente, muling nagpaalala ang opisyal sa mga residenteng nasasakupan na maging mapagmatyag lalo na ngayong nakararanas ng malakas na ulan ang kanilang bayan na nagdadala rin ng panganib.

Samantala, hinimok naman ng opisyal ang publiko na palaging subaybayan ang lagay ng panahon at sundin ang mga abiso na inilabas ng kani-kanilang local government units upang maiwasan ang anumang insidente.