NAGA CITY- Patay ang isang persona matapos na aksidenteng makuryente sa Brgy. Barobaybay, Magarao, Camarines Sur.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO) napag-alaman na kinilala ang biktima na si Efren Ceneta Jr., 34-anyos, isang construction worker, residente ng Brgy. Fundado, Canaman, Camarines Sur.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad napag-alaman na habang nakatayo sa isang basang sahig sa kanilang pinagtatrabahuhan na bahay ang biktima nang aksidente nitong mahawakan ang isang electric wire, resulta para ito ay makuryente.

Agad naman umanong itinakbo sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng mga doctor.

Samantala, napag-alaman din na nakita ng mga katrabaho ng biktima ang insidente maging ng kaniyang mismong tiyuhin.