NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos aksidenteng mabangga ng isang jeep ang minamaneho nitong motorsiklo sa probinsya ng Quezon.

Kinilala ang biktima na si Christian Dior Porquez Ayaso, 36-anyos, residente ng Brgy. Lagalag Tiaong, Quezon.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Station, nabatid na habang lumiliko ang jeep na minamaneho ng suspek na kinilalang si Edwin Dausen Gaviño, 46 anyos, residente ng Brgy. Bukal Sur Candelaria, Quezon, nang aksidente nitong mabangga ang motor na minamaneho naman ni Ayaso.

Dahil dito, nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan ang biktima na naging dahilan naman nang agarang pagkamatay nito.

Sa ngayon, patuloy pa ang ginagwang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay sa naturang insidente.