NAGA CITY – Patay ang isang lalaki matapos na barilin sa Ragay, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Victorio Agbay Jr., 51-anyos, at residente ng Zone 1, Brgy. Panaytayan sa nasabing bayan.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakarining nalang umano ng putok ang mga kapitbahay ng biktima.

Sa una, inakala umano ng mga nakarinig na paputok lamang ito, subalit narinig nila na sumigaw ang apo ng biktima.

Agad namang pinuntahan ng mga residentes na malapit sa lugar ang bahay ng biktima at dito na tumambad ang duguan at wala ng buhay na katawan ng biktima.

Sa inisyal ng imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na natagpuan sa pinangyarihan ng krimen ang isang piraso ng bala ng kalibre-45 na baril.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad maging ang pag-alam sa posibleng pagkakakilanlan at kinalalagyan ng mga suspek.