NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos magbigti sa Atimonan, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Alyas Van, 28-anyos residente ng Brgy. Zone 1 sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na bandang alas-9:30 ng umaga nitong Agosto 11, 2024 nang makita ni Rodolf Manalo Jr., ama ng biktima, ang katawan ni Alyas Van na nakabitin sa sala ng kanilang harong.

Agad humingi ng tulong si Rodolf at agad rin sanang dinala sa ospital ang biktima ngunit idineklara rin itong dead on arrival ng doktor.

Samantala, huling nakita na buhay ang biktima na umalis sa kanilang bahay kasama ang nakababatang kapatid nito na mayroong down syndrome. Napag-alaman pa sa imbestigasyon ng mga otoridad na dati sinubukan na ring magpakamatay ng biktima dahil sa personal na problema. 

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.