NAGA CITY- Patay na ng matagpuan ang isang lalaki matapos umanong magbigti sa Barangay Amomokpok, Ragay, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Maximo Año Jr, 23-anyos residente ng naturang lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), nabatid na nakita na lamang ang biktima na nakabigti sa puno ng mangga gamit ang isang tie wire.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na mayroong personal na problema ang biktima at nakita pa itong mag-isang umiinom ng alak bago ang nasabing indiente.

Sa isinagawng necropsy examination sa katawan ng biktima, kinumpirma ng mga physician na walang foul play na nangyari.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.