NAGA CITY – Patay ang isang lalaki matapos magpatiwakal sa Lucena City.

Kinilala ang biktima na si Lito Aranilla, 36-anyos, residente ng Brgy. Mayao Parada sa nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakita na lamang ang wala nang buhay na katawan ng biktima na nakabigti sa isang punong kahoy.

Sa inisyal na imbestigasyon pa ng mga awtoridad, napag-alaman na wala naman umanong sinasabing problema ang biktima bago ang insidente.

Kaugnay nito, labis namang ikinabigla ng mga kamag-anak ng biktima ang pangyayari.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.