NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos magpatiwakal sa Padre Burgos, Quezon.

Kinilala ang biktima na si alyas Jose, 31-anyos residente ng Brgy Walay, sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakita na lamang ang wala ng buhay na katawan ng biktima nang kanyang mismong pinsan na nakabigti sa loob ng isang nepa hut sa Sitio Aplaya, sa nabanggit na barangay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, lumalabas na si alyas Jose ay mayroong sakit na schizophrenia at sumasailalim sa medikasyon.

Samantala, wala naman nakitang foul play sa pinangyarihan ng insidente.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad patungkol sa nasabing insidente.