Lalaki, patay matapos makabangga ang motorsiklo sa nakaparadang closed van sa Quezon

NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos makabangga ang minamanehong motorsiklo sa nakaparadang closed van sa Barangay 2, Sariaya, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Ryan Darwin Rosal, 37-anyos, residente ng Barangay Matala Ibaan, Batangas.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon City Police Provincial Office, nabatid na habang nakaparada ang van sa kahabaan ng Eco Tourism Road na minamaneho ni Ernani Alzaga, 45-anyos nang aksidenteng makasalpok ang minamanehong motorsiklo nmi Risal sa likod ng van.

Dahil dito, nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan ng biktima na agad naman na dinala sa ospital ngunit ideniklara nang dead on arrival ng mga doktor.

Nabatid na nagkaroon ng mechanical failure ang van kung kaya pinarada ito sa kahabaan ng kalsada na meron namang lighting at warning device sa likod upang maiwasan ang anuman na insidente.