NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos makabangga sa bakod ng isang bahay sa Maharlikha Highway Brgy. Sto Domingo, Calauag, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Agusto Moje, 55-anyos, residente ng Barangay Sumulong sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasuon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), nabatid na habang minamaneho ng biktima ang kaniyang motorsiklo nang bigla na lamang nakita nito ang kasalubong nitong sasakyan kun kaya agad naman itong lumiko upang maiwasan ang head on collision.

Ngunit, biglang nawalan ng kontrol si Moje sa kaniyang motorsiklo kung kaya dumeritso ito sa bakod ng nasabing bahay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatod na nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan ang biktima na agad namang dinala sa ospital ngunit binawian na ng buhay kinalaunan.

Sa ngayon, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.