NAGA CITY – Patay ang isang lalaki matapos makasalpok ang minamanehong motorsiklo sa Tiaong, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Frederick Villar Latayan, 38-anyos, residente ng Brgy. Bukal Norte, Candelaria, Quezon.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang binabagtas ni Latayan ang southbound direction sa nasabing lugar ng bigla umano itong lumiko dahilan para makasalpok sa truck na minamaneho naman ni Ronel Binanda Lumbayan, 39-anyos, residente ng Brgy. Balubal, Talakag, Bukid mula sa kabilang direksyon.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na nagtamo ng sugat sa ulo at iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Advertisement

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbstigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.

Advertisement