Wala nang malay nang matagpuan ang isang lalaki matapos malunod ito sa karagatan ng San Miguel, Baras, Catanduanes.

Kinilala angbiktima na si Ramil Bondoy.

Sa impormasyon na nakuha ng Bombo Radyo Naga mula sa PNP- Bicol, napag alama na natagpuan nila Councilors Elias Torrecampo , Joel Alcantara at Rene Sefrano ang katawan ng biktima at agad na itinakbo sa istasyon ng mga kapulisan.

Idinala pa sana sa ospital ang biktima para maisalba ito ngunit idineklara na itong dead on arrival ng mga doktor.

Una rito napag-alaman na pumunda sa dagat ang biktima para sana mamingwit ng isda.