NAGA CITY- Patay na ng madiskubre ang katawan ng isang lalaki matapos na malunod sa Zone 4 Barangay Niño Jesus, Bato, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Zoren Llagas, 29-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasuon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), nabatid na habang pauwi na sa kaniyang bahay ang biktima dala ang kalahating sako ng bigas nang atakihin ito ng kaniyang sakit na EPILEPSY.

Dahil dito, aksidenteng nahulog sa kanal ng irigasyon an biktima at dito na ito nalunod at kalauna’y binawian ng buhay,

Sa ngayon, nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.