NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos malunod sa kadagatang sakop ng Bato, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Dante Ramos, 51-anyos, residente ng Brgy. San Vicente, sa nasabing bayan.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na habang nasa ilalim nang impluwensiya ng alak ang biktima ay lumangoy ito sa dagat at sa kasamaang palad ito’y nalunod.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, mababatid na agad namang isinagawa ang retrieval operation ng mga tauhan ng Bantay Dagat ng Brgy. Payak sa nasabing bayan at ang Coast Guard ng Balatan, Camamarines Sur ngunit, hindi na ito gumanti.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa nasabing insidente.