NAGA CITY– Patay ang isang lalaki matapos masagasaan ang minamaneho nitong motorsiklo ng isang SUV sa Pamplona Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Marbel Dacian, 31-anyos, residente ng Z-7, Brgy. Tambo ng nasambing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, sinasabing papunta umano sa nasabing lugar ang SUV na minamaneho naman ni Cyrus Del Rosario ng aksidenteng mabundol nito ang motorsiklo na minamaneho ni alyas Dacian.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang parte ng kaniyang katawan ang biktima na agad namang itinakbo sa ospital subalit dineklara itong Dead on Arrival ng mga doktor.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad si Dacian para sa karampatang disposisyon habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon hinggil sa insidente.