NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos masagi ng isang cargo truck sa Southbound Lane kan Maharlika Highway, Barangay Talisay, Tiaong, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Alexander Nesola, 45-anyos, residente ng Barangay Danlagan Reserva, Guinayangan, Quezon.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na habang tinatahak ng naturang cargo truck na minamaneho ni Elbert Miraflor, 46-anyos, nang aksidente nitong masagi si Nesola na naglalakad sa tabi ng kalsada.

Dahil sa insidente, nagtamo ng sugat sa kaniyang ulo at katawan ang biktima na agad namang dinala sa ospital subalit binawian din ito ng buhay.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.