NAGA CITY – DEAD-ON-ARRIVAL ang isang lalaki matapos maaksidente ang motorsiklo na sinasakyan sa Barangay Pulo, San Antonio, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Jayson Umali, 35-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na lumabas ng kanilang bahay ang may sakit na biktima at sumakay sa motorsiklo nito.

Ngunit hindi pa aniya nakakalayo nang makita na lamang ng live in partner nito na nawalan na ng kontrol si Umali sa naturang behikulo dahilan para matumba ito

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na nagtamo ng mga sugat sa kaniyang katawan ang biktima na agad namang dinala sa ospital.

Ngunit sa kasamaang palad, idineklara rin itong dead on arrival ng mga doktor.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang insidente.