NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos na bumangga sa isang poste ng kuryente sa Bagasbas Rd. Brgy Borabod, Daet Camarines Norte.

Kinilala ang biktima na si Lenwell Candelaria 27-anyos, residente ng Brgy. Gubat sa nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Norte Police Provincial Office CNPPO, sinasabing habang binabaybay ng biktima ang kahabaan ng nasabing lugar ng mawalan ito ng kontrol sa minamaneho nitong sasakyan,

Kaugnay nito, bumangga ang biktima sa poste na pag-aari ng Camarines Norte Electric Cooperative [CANORECO] na agad naman nitong ikinamatay.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.