NAGA CITY – Patay ang isang lalaki matapos na mabangga ng isang van sa Brgy. Lumingon, Tiaong, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Ponciano De Torres, 69-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang tumatawid sa kalsada ang nasabing biktima nang aksidente itong mabangga ng van na minamaneho ni Eljay Llabres Urcia, 29-anyos, residente ng Brgy. 1, General Luna sa nasabing lalawigan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na dahil sa nasabing insidente, nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na agad namang dinala sa ospital para sa asistensya medikal ngunit ideklara rin itong dead-on-arrival ng mga doktor.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.