NAGA CITY – Patay ang isang lalaki matapos na magpakamatay sa Tayabas City.

Kinilala ang biktima na si Eddie Escalante, 36-anyos residente ng Brgy. Silangan Palale sa nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon police Provincial Office, napag-alaman na natagpuan na lamang ang biktima ng live-in partner nito na si Maribel Satelecis sa loob ng kanilang bahay na nakabigti.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na agad naman dinala sa ospital ang biktima para sa asistensya medikal ngunit ideklara rin itong dead-on-arrival ng mga doktor.

Advertisement

Samantala, ayon pa sa imbestigasyon ng mga kapulisan bago ang insidente nagkaroon ng hindi pagkaintindihan ang biktima at si Satelecis.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.

Advertisement