NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos na magpatiwakal sa Infanta, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Jansen Raymond Rostata, 27-anyos, residente ng Purok Lipote, Brgy. Bantilan sa nasabing bayan.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na napansin umano na malungkot ang biktima.

Kaugnay nito, habang kinakatok ang kwarto ni Jansen nang kanyang kapatid na si Ryan Rostata kasama ang live-in partner nito na si Sharon Felias nang walang sumasagot.

Dahil dito, nang silipin ng dalawa ang bintana, dito na nakita si Jansen habang nakabigti sa loob ng kanilang bahay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na mayroong iniindang sakit na liver and lung disease ang biktima na nagin dahilan sa depresyon nito.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad patungkol sa insidente.