NAGA CITY- Hindi na umabot nang buhay an isang lalaki matapos na masagasaan ng isang jeep sa Brgy. San Isidro, Pamplona Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Jensen Antonio, residente ng Brgy. San Gabriel sa nasabing bayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Kapitan Dennis Tarusanan sa nasabing lugar, sinabi nitong nagbibisekleta ang biktima ng mahagip ito ng isang nag-overtake na jeep sa kahabaan ng nasabing lugar.

Kaugnay nito, agad namang dinala sa ospital ang biktima subalit hindi na ito umabot na buhay at idineklarang dead on arrival ng mga doktor.

Sa ngayon, nagpapatuloy naman an imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.