NAGA CITY – Patay ang isang lalaki matapos na pagbabarilin sa Candelaria, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Alexander Langcon Forbes, 24-anyos, residente ng Brgy. Malabanban Norte sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang naglalakad-lakad ang biktima sa kanilang barangay nang bigla na lamang itong pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang suspek.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong pagkamatay.

Samantala, agad naman umanong tumakas ang suspek matapos isagawa ang nasabing krimen.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon at hot pursuit operation ng mga awtoridad maging ang pagtukoy sa posibleng kinaroroonan ng nasabing suspek.