NAGA CITY – Patay ang isang lalaki matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Tiaong, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Jorge De Los Reyes, 27-anyos, residente ng Brgy. Lalig sa nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang natutulog ang biktima kasama ang live-in partner nito ng makarinig sila na mayroong kumakatok sa kanilang pintuan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na ng binuksan na nga mga ito ang pinto, dito na ito pinaputukan ng suspek.

Dahil dito, nagtamo ng tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong pagkamatay.

Kaugnay nito, agad naman na tumakas ang suspek dala ang hindi pa matukoy na kalibre ng baril na ginamit sa krimen.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hingil sa nasabing insidente.