NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos na pagsasaksakin sa Zone 5 Brgy. San Juan, Bato, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Domingo Sandrino Jr, 22-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office napag-alaman na nakita na lamang ng Barangay Kagawad nang nabanggit na lugar ang katawan nang biktima na nakahandusay at puno nang saksak sa iba’t ibang parte ng kanyang kawatan.

Sinubukan umano ng mga awtoridad na tanungin ang biktima kung ano ang nangyari pero hindi na ito nakasagot pa.

Samantala, agad naman na dinala sa pagamutan ang biktima para sa asistensya medikal pero ideneklara ring dead on arrival ng mga doktor.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad patungkol sa nasabing insidente.