NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos na pagbabarilin sa Bato, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Jason Delos Santos, 30-anyos, residente ng Zone 3, Lobong sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), napag-alaman na habang nasa bahay ng isang Yolanda Resare ang biktima sa nasabing lugar nang bigla na lamang itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek gamit ang hindi pa malaman na uri ng baril.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na nagresulta sa agad nitong kamatayan.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad lalo gayundin sa posibleng pagkakakilanlan ng mga suspek na agad namang tumakas matapos ang nasabing krimen.