NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa Sitio Badjao Barangay Cagsiay 2, Mauban Quezon.

Kinilala ang biktima na si Raffy Serda, 28-anyos, isang tricycle driver.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO) napag alaman na habang inaayos ng biktima ang kanyang motorsiklo ng dumating sa bahay nito ang suspect na kinilalang si Emanuel Dacillo alias Wanghu upang komprontahin ito.

Matapos nito ay tahimik lamang umanong pumasok sa kanilang bahay ang biktima ngunit mula sa labas ng kanilang bahay ay pinaputukan ito ng suspect.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa parteng ulo at balikat ang biktam kung kaya agad itong itinakbo sa ospital, ngunit binawian na ito ng buhay habang isinasagawa ang medical treatment dito.

Sa ngayon nag papatuloy naman ang manhunt operation ng mga otoridad sa suspect matapos itong agad na makatakas matapos ang nasabing krimen.