NAGA CITY – Patay ang isang lalaki matapos pagsasaksakin sa Brgy. Caridad Ibaba, Atimonan, Quezon.
Kinilala ang biktima na si Rustico Garcia, 54-anyos, residente ng nasabing lugar.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang nag-iinuman ang biktima at ang kaibigan nito na kinilalang si Mico sa loob ng bahay ni Garcia, nang biglang dumatng ang suspek na si Ludovico Ilagan, 57-anyos residente rin ng nasabing lugar.
Ngunit bigla na lamang nagkaroon ng mainit na diskusyon si Garcia at si Ilagan na nagresulta para pagsasaksakin ng suspek ang biktima.
Sa inisyal na imbestigasyon ng nga awtoridad, nabatid na dahil sa insidente nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang supek para sa karampatang disposisyon.