NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos na pagtatagain sa Barangay Cabanbanan, Balatan, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Gerald Amero, 37-anyos, residente ng nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, nabatid na habang naglalakad si Amero sa magubat na bahagi ng Barangay Cabanbanan nang walang habas na pagtatagain ito ng suspek na kinilalang si Roberto Orcine, 48-anyos, na naging dahilan ng agarang kamatayan ng biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, sinasabing nagawa nang suspek an karumal-dumal na insidente na ito dahil sa matinding galit sa biktima.

Samantala, boluntaryo namang sumuko ang suspek sa mga awtoridad matapos ang insidente.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad si Orcine para sa karampatang kaparusahan.