NAGA CITY- Patay na nang matagpuan ang katawan ng isang lalaki sa Lucena City. Habang ito ay ninakawan pa.

Kinilala ng biktima na si Alyas Elmer, 63-anyos at resident ng Brgy. Dalahican, sa nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na nadiskubre ng anak na babae ng biktima na ang kanilang hardware ay ninakawan at ang kanilang koleksyon sa benta ay ninakaw rin.

Ayon sa anak ng biktima, napansin nito na wala umano sa loob ng kwarto ang kaniyang ama na nag-udyok sa kanya upang ireport ang insidente sa Lucena City Police Station.

Pagdating naman ng grupong nag-iimbestiga, natagpuan ng mga ito ang katawan ng biktima na nakahiga sa paradahan na nakaharap sa kisame at may mga sugat sa kanyang mga tuhod habang katabi nito ang lubid.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa insidente gayundin ang pag-alam sa posibleng pagkakakilanlan sa suspek.