NAGA CITY – Patay na nang matagpuan ang katawan ng isang lalaki habang palutang-lutang sa gilid ng Iyam River sa Lucena City.

Kinilala ang biktima na si Fajarit Gruta, 48-anyos, residente ng Purok Matahimik Isla, Brgy. Cotta sa nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na natagpuan ang katawan ng biktima ng mga residentes malapit sa Mayowi Creek.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad nabatid na bago ang insidente habang nasa impluwensiya ng alak ang biktima, pumunta umano ito sa ilog at habang naglalakad aksidenteng nadulas at tumama ang katawan nito sa mabatong bahagi ng ilog.

Dahil dito, mabilis na nadala nang agos ng tubig ang katawan nito papunta sa pinakamalalim na bahagi ng ilog.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa insidente.