NAGA CITY- Patay na nang matagpuan ang katawan ng isang lalaki habang tadtad ng taga sa Sitio Compra, Barangay Tinalmud, Pasacao Camarines Sur,

Kinilala ang biktima na si Rachel Malate, 22-anyos, residente sa nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, nabatid na nakita na lamang ang wala ng buhay na katawan ng biktima sa isang waiting shed.

Sa inisyal na imbestigasyon pa ng mga awtoridad, bago ang nasabing insidente nakita pa umano na pumunta si Malate sa plaza sa kanilang lugar para dumalo sa kasayahan doon.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad gayundin ang pagtunton sa pagkakakilanlan ng salarin.