NAGA CITY – Patay na ng matagpuan ang katawan ng isang lalaki sa Lucena City.

Kinilala ang biktima na si Dexter Polieto Lavares, 45-anyos, residente ng Campo Subdivision, Brgy. Gulang-gulang, sa naturang lungod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakita na lamang ang wala nang buhay na katawan ng biktima ng kaniyang katrabaho sa loob ng barracks nito.

Sa inisyal na imbestigasyon pa ng mga awtoridad, pinaniniwalaang atake sa puso ang naging dahilan ng kamatayan ng biktima.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.