NAGA CITY – Wala nang buhay nang matagpuan ng isang mangingisda ang katawan ng isang lalaki sa isang bangka na nagpapalutang-lutang sa kadagatan na sakop ng Sagñay, Camarines Sur.

Pansamantalang dinala sa dalampasigan ng Barangay Atulayan sa nasabing bayan ang katawan ng nasabing lalaki.

Sa ngayon, patuloy pang inaalam ang posibleng pagkakakilanlan ng biktima.

Antabayanan ang buong detalye sa Bombo Radyo Naga…