NAGA CITY- Patay na nang matagpuan ang katawan ng isang lalaki sa Perez, Quezon.

Kinilala ang biktim na si Ira Saberdo, residente ng Brgy. Pagkakaisa sa naturang bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakita ng witness na kinilalang si Elmer Llames, isang guro, ang biktima na papunta sa backwoods sa may Perez National High School sa Brgy. Sangrini sa nasabing bayan upang manguha ng troso.

Makalipas umano ang ilang minuto, dito na narinig ni Llames na parang nahihirapan nang huminga ang biktima ngunit ipinagsawalang bahala lamang niya ito.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na matapos an ilang oras, dito na napag-alaman ng witness na pinaghahanap na pala ng mga kaanak nito si Saberdo.

Dahil dito, bago umalis naisipan ni Llames na mag-inspeksyon sa bisinidad ng lugar at dito na nito natagpuan an wala ng buhay na katawan ng biktima.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa hinggil sa insidente.