NAGA CITY – Patay na ng matagpuan ang katawan ng isang lalaki sa Dolores, Quezon.
Kinilala ang biktima na si Avelino Barcelona, 64-anyos, residente ng Brgy. Bulakin 1 sa nasambitan ng bayan.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na natagpuan na lamang an wala nang buhay na katawan ng biktima sa madamong bahagi malapit sa kalsada sa nasabing lugar.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na batay sa naging pahayag ng mga kamag-anak ni Barcelona, bago ang insidente habang naglalakad umano sa kalsada ang biktima mula sa bahay ng kaniyang pamangkin na kinilalang si Marwin Villarasa ng pinaniniwalaang atakihin ito sa puso na naging dahilan ng kaniyang kamatayan.
Samantala, wala namang nakitang foul play ang mga kapulisan sa pinangyarihan ng insidente matapos makitang bumubula pa ang bibig ni Barcelona na senyales ng nasabing heart attack.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.