NAGA CITY – Patay na ng matagpuan ang katawan ng isang hindi pa nakikilalang lalaki sa Sagñay, Camarines Sur.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na natagpuan ang katawan ng biktima sa tabi ng highway ng isang Noeme Rala.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na ang biktima ay may mga tama ng bala ng baril sa kaniyang katawan.
Maliban dito, natagpuan din ng mga awtoridad ang tatlong piraso ng empty fired cartridge cases ng caliber 45 at isang piraso ng live ammunition ng nasabing baril.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil na naturang insidente lalo na ang pagtukoy sa pagkakakilanlan ng biktima.