NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos na makuryente sa San Andres, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Reymart Espeña, 24-anyos, residente ng Barangay Pansoy sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na habang nag-aayos sa saindang residensiya, nang aksidente nitong nahawakan ang hindi nakabalot na live wire na naging resulta sa pagkakakuryente nito.

Nabatid na sinubukan pa sanang dalhin sa ospital ang biktima ngunit idenikalara na itong dead on arrival ng mga doktor.