NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos na pagbabarilin sa Barangay Camflora Sinturisan, San Antonio, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Ryan Mendoza, residente ng nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na habang nasa loob ng kanyang bahay ang biktima nang bigla na lamang pumasok ang suspek na si Edwin Masilungan, 41-anyos, residente ng Barangay Pury sa naturang bayan at pinagbabaril si Mendoza.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na may utang umano ang biktima sa nasabing suspek.

Samantala, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad gayundin ang pagtunton sa posibleng kinaroroonan ng suspek na agad tumakas matapos isagawa ang naturang krimen.