NAGA CITY- Patay ang isang indibidwal matapos na pagtatagain sa Mulanay, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Carlito Telada Batanes, 39-anyos, residente ng Sitio Marasigan Barangay Bagupaye sa nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), napag-alaman na bigla na lamang na dumating sa bahay ng biktima ang suspek na si Roger Ravanera, residente rin ng nasabing lugar at dito na pinagtataga si Batanes.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otordidad, napag-alaman na dahil sa inisdente, nagtamo ng mga sugat sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima dahilan ng agad nitong kamatayan.

Samantala, napag-a;aman na bago ang insidente, nagkaroon muna ng mainit na argumento ang suspek at ang biktima.

Dagdag pa dito, nasa ilalim pa ng impluwensiya si Ravanera nang mangyari ang krimen.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad lalo na pagkakaaresto sa tumakas na suspek matapos ang nasabing insidente.