NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos pagtatagain ng kanyang half-brother sa Sipocot, Camarines Sur.
Kinilala ang biktima na si Adam Albalate, 67-anyos, residente ng Sitio Magsaysay Brgy. Kawayan, Libmanan, sa nasabing lalawigan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PSSG. Jennifer Bables, Assistant PIO ng Sipocot Municipal Police Station, sinabi nito na habang nakikipag-inuman ang biktima sa half-brother nito na kinilalang si John Michael San Andres, 33-anyos, nang magkaroon ng mainit na diskusyon ang dalawa rason upang kumuha ng bolo si San Andres at dito na pinagtataga si Albalate.
Dahil dito, nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan si Albalate na agad naman dinala sa ospital para sa asistensya medikal ngunit binawian rin ito ng buhay habang ginagamot.
Samantalan, sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na dati ng may alitan ang dalawa.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente gayudin ang paghahanap sa suspek na agad tumakas matapos isagawa ang krimen.