NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos pagtatagain sa Calauag, Quezon.
Kinilala ang biktima na si Rene Boy Llani, residente ng Brgy Sumilang, sa nasabing bayan.
Sa nakalap na impormasyong ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang nag-iinuman ang biktima at ang suspek na si Edna Monteclaro, residente ng Brgy Pinagkamaligan sa naturang bayan, nang magkaroon ang dalawa ng mainit na argumento.
Kaugnay nito, matapos ang kanilang pag-iinuman, sinundan aniya ng suspek si Llano sa madilim na lugar at agad itong pinagtataga ng suspek sa leeg na nagresulta ng pagkamatay nito.
Ngunit sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, mababatid na kasama aniya ng suspek sa naturang insidente ang kaniyang anak na si Jonathan Monteclaro na siyang gumawa sa pananaga sa biktima.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang insidente.