NAGA CITY – Patay sa pamamaril ang isang lalaki habang binawian din ng buhay ang asawa nito matapos pukpukin ng baril sa ulo sa Bato, Camarines Sur.
Kinilala ang mga biktima na sina Nicasio Bon at asawa nito na si Jeniffer Bon residentes kan nasambitan ng lugar.
Ayon kay PCapt. Junie Cris Curba ang Chief of Police ng Bato Municipal Police Station, habang nakikipag-inuman ang suspek na kinilalang si Juan Bon, kasama ang mga kaibigan nito nang pagtripan umano ng mgaito ang alagang aso ng biktima at panganay nitong kapatid na si Nicasio kung saan hinampas umano at sinaksak pa ng suspek ang kawawang aso.
Habang sinasaksak ni Juan ang kawawang aso na tuluyan ring namatay, dito naman lumabas ang biktima at nasaksihan ang ginagawa ng kanyang kapatid.
Dahil dito kinompronta ni Nicasio sa malumanay umanong paaran ang suspek at pinagsabihan na mali ang kanyang ginawa sa nasabing aso ngunit pinagmulan lamang ito ng isang mainit na sagutan sa pagitan ng dalawa.
Makalipas ang ilang sandali ay bigla na lamang pinaputukan ng suspek ang kapatid nito gamit ang dalang sumpak o improvised na baril na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.
Samantala, sinubukan pang awatin ang suspek ng asawa ng biktima na si Jeniffer, subalit ito naman ang pinagbalingan ng galit ng suspek kung saan hinabol pa ito at nang maabutan ay doon na pinaghahampas ang ulo ng maka-ilang ulit gamit ang dalang sumpak na naging dahilan nang pagkamatay din nito.
Dagdag pa ni Curba, ang nasabing insidente ay maaring dahil sa sigalot o away sa lupa.
Sa kasalukuyan, ang nasabing suspek ay nasa kustodiya na ng mga awtoridad at nahaharap sa kasong Double murder.
Kaugnay ng insidente, nagpaalala naman ang nasabing himpilan na mag-isip, kumalma sa mga oras na pinapangunahan ang isang tao ng sobrang galit lalo pa’t nasa impluwensiya ng alak dahil wala umano itong maidudulot na maganda sa magiging desisyon ng isang indibidwal.
Pakiusap din nin PCPT, Juris Curba na huwag gumamit ng dahas, dahil ano man ang magyari ang pamilya ay mananatiling pamilya at ang pagsisisi ay laging nasa huli.