NAGA CITY – Maswerteng nakaligtas ang isang matapos pagbabarilin ng limang beses at tangkain pang tagain ng tatlong lalaki sa Brgy. San Jose, Bula, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Christopher Nodado, residente ng naturang lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PLt. David Ollerez, Deputy Chief of Police ng Bula Municipal Police Station, sinabi nito na habang naghahanap ng mahaharvest na kawayan sa pag-aari nitong taniman ng makita nito ang mga suspek na sina Romeo Deloverges, Roger Catambay at Rudy Catambay, kapwa residente ng nasabing.

Aniya, binati pa ng biktima ang mga suspek ngunit pinagbantaan umano ito na huwag lumapit dahil papatayin nila ito.

Dagdag pa ng opisyal, agad na nagbunot ng baril si Romeo at pinagbabaril ang biktima ng limang beses ngunit maswerteng hindi ito natamaan at agad na nakatakas habang hinabol din ng taga ng dalawa pang suspetsado.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na narekober sa pinangyarihan ng insidente ang isang empty shell ng caliber 9mm na baril.

Samantala, hindi na naabutan ng mga otoridad ang mga suspek sa nasabing lugar.

Pinaniniwlaan ding away sa lupa ang motibo sa krimen.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad gayundin ang pagtunton sa posibleng kinaroroonan ng naturang mga suspek.