NAGA CITY- Sugatan ang isang lalaki matapos mag apoy ang isang generator set na sinasalinan lamang sana ng biktima ng gasolina sa Naga City.
Kinilala ang biktima na si Andy Dizon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay FCI Emmanuel Ricafort ng BFP-Naga, sinabi nito na napag-alaman na habang sinasalinan ng biktima ng gasolina ang kanilang ginagamit na generator ng hindi namalayan umano nito na malapit na pala ang lalagyan ng gasolina sa kandila.
Kung saan bigla nalamang umano itong nagliyab kaya agad naman itong sinipa ng biktima resulta upang masunog rin ang kanyang kaliwang paa.
Kaugnay nito agad naman umanong naapula ang naturang sunog kung saan hindi narin naapektohan ang mismong bahay ng biktima.
Kung maalala kasalukuyan paring walang supply ng kuryente sa lungsod dahil sa pananalasa ng banyong Rolly kung kaya karamihan sa mga residente ngayon ay pansamantala munang gumagamit ng genset.
Nabatid na mismong si Naga City Mayor Nelson Legacion ang nagtungo sa bahay ng biktim upang rumesponde.
Sa ngayon panawagan nalamang ng ahenysa at ng lokal na gobyerno ng lungsod sa mga residente na patuloy na mag ingat sa paggamit ng mga kagamitan na pampailaw lalo na at maari umano itong magmetsa ng isang malaki pang insidente.