NAGA CITY – Sugatan ang isang lalaki matapos na pagbabarilin sa Brgy. San Isidro Candelaria, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Noel Greta Vitoriano, 41-anyos, residente ng Sitio Sentro Brgy. Manggalang Kiling, Quezon.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang binabagtas ng biktima ang kalsada patungo sa Barangay San Isidro, sa nasabing bayan gamit ang minamaneho nitong motorsiklo ng harangan ito ni Jordan Bañez, residente ng Sitio Sentro Barangay Manggalang Kiling, at kasama nito na si Alias Estong na residente naman ng Barangay San Isidro na nagpabaril kay Vitoriano.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na dahil sa insidente, nagtamo ng tama ng bala ng baril si Vitoriano na agad namang dinala ng kaniyang mga kamag-anak sa pagamutan para sa asistensya medikal.

Samantala, agad namang tumakas ang mga suspek matapos na isagawa ang nasabing krimen.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang isigawang imbestigasyon ng mga awtoridad lalong-lalo na ang pagtukoy sa posibleng kinaroroonan ng mga suspek.