NAGA CITY- Sugatan ang isang indibidwal matapos na pagbabarilin sa Purok Pag-asa, Brgy. Libjo, Infanta, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Marianito Suaverdez residente ng nasabing lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang pinagmamaneho ni Suaverdez ang sasakyan nito pauwi sa kanilang bahay nang lapitan ng hindi pa nakikilalang suspek at bigla na lamang pinagbabaril nang dalawang bese.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na dahil sa insidente nagtamo ng sugat sa kanyang katawan ang biktima.

Samantala, agad naman itong isinugod sa ospital para sa asistensya medikal habang ang hindi pa nakikilalang suspek ang kaagad na tumakbo sa hindi pa malaman na deriksyon.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad gayundin ang paghahanap sa posibleng pagkakakilanlan at kinarooonan ng nasabing suspek.