NAGA CITY- Kasalukuyang pinaghahanap parin ang suspek sa pamamaril sa isang 44-anyos na lalaki sa Brgy. Del Rosario, Bato, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Ramiro Tuyay, 44-anyos, residente ng Brgy. Buluang, Bato, Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PMaj. Andrew Alcomendas, Acting Chief of Police Bato MPS, sinabi nito na napag-alaman na una ng inabangan umano ang biktima ng suspek na kinilalang si Henry Vargas, residente ng nasabing lugar.

Ayon kay Alcomendas, habang nag lalakad ang biktima pauwi sa kanilang bahay ng pag babarilin umano ito ng suspek kung saan nag tamo ito ng tatlong tama ng bala sa bandang hita at isa sa bandang braso.

Matapos ang nasabing insidente ay agad umanong nakatakas ang suspek dahil nangyari ang insidente sa bundok na parte ng nasabing lugar kung kaya tumalon umano ito sa gilid ng kalsada.

Base sa imbestigasyon palaisipan pa umano sa biktima kong ano ang motibo ng nasabing suspek.

Sa ngayon kasalukuyan ng nag papagaling ang biktima sa ospital matapso ang naturang krimen.

Samantala nagpapatuloy naman ang paghahanap ng mga otoridad sa nasabing suspek.Top