NAGA CITY- Sugatan ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspect sa Brgy. Cambalidio, Libmanan, Camarines Sur. Kinilala ang biktima na si Jose Rosales, 37-anyos, isang magsasaka at residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO) napag alaman na una na umanong ipinagbigay alam ni Brgy. Kgd. Bernardo Abaquita sa Libmanan MPS ang nasabing insidente.

Base sa imbestigasyon una na umanong nagkaroon ng paguuasap ang biktima at ang hindi pa nakikilalang suspek sa labas ng kanilang bahay ng bigla nalamang itong pagbabarilin.

Nagtamo ng tama ng baril sa iba’t-ibang parte ng katawan ang biktima resulta ng kanyang agarang pagkamatay. Narecover dito ang tatlong pirasong empty shells, isang slug mula sa suspected cal. 45 pistol na ginamit ng nasabing suspek.

Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hingil sa nasabing insidente.