NAGA CITY- Sugatan ang isang lalaki matapos pagsasaksakin ng isang menor de edad sa Zone 4, Brgy Palestina, Pili, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si James San Andres, 21-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), nabatid na nagkaroon ng mainit na pagtatalo si San Andres at ang suspek na kinilala namang isang 16-anyos.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na bigla na lamang pinagsasaksak ng kutsilyo ng suspek si San Andres.

DAhil dito, nagtamo ng tama sa bahagi ng kaniyang tiyan ang biktima na agad namang dinala sa ospital para sa asistensiya medikal.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek habang nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon hinggil sa nasabing insidente.